Advertisers

Advertisers

Motorcade ng Team Pagbabago inabangan ng mga Manilenyo

0 322

Advertisers

NAGSAGAWA ng motorcade ang Team Pagbabago na pinangunahan nina Manila Mayoral candidate Atty. Alex Lopez, Vice-mayoral bet Raymond Bagatsing at kanilang mga kandidato para sa konseho nitong Linggo, Marso 27.
Nag-ingay ang mga taga Distrito 3 sa pagsalubong sa susunod na ama ng lungsod ng Maynila.
Marami ang nag-abang sa grupo nina Atty. Lopez at naging mainit ang kanilang pagbati rito.
Naramdaman ng Team Pagbabago ang hangarin ng maraming Malinenyo na si Lopez ang magiging bagong alkalde ng Maynila.
Hindi magkapamayaw ang kanilang mga sigawan at galak ng makita nila sina Atty. Lopez at Raymond.
Nagpapasalamat naman sina Lopez-Raymond sa mga Manileño na nagtiyagang mag-abang sa kanilang pagdaan sa iba’t ibang ruta sa Maynila partikular na sa Distrito 3.
“Salamat po, sama-sama po nating harapin ang isang tunay na pagbabago sa darating na Mayo 9, 2022,” Mayoralty bet Atty. Alex Lopez.