Advertisers

Advertisers

Alert Level 0 ‘di na kailangan habang binubuksan ang ekonomiya – DTI

0 246

Advertisers

SINABI ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na hindi na kailangang ilagay sa Alert Level 0 ang status sa bansa habang binubuksan ang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Lopez, dahil ilang lugar na raw nasa ilalim ng Alert Level 1 ay bumalik na rin sa 100 percent ang operasyon ng mga establisimiyento.

Maging ang tourism sector ay nagbukas na rin ng local at foreign tourists dito sa bansa.



Napag-usapan na rin daw nila ito kasama ang Inter Agency Task Force (IATF).

Sa ngayon, ang National Capital Region at nasa 47 na lugar ay nananatili sa Alert Level 1 hanggang sa katapusan ng Marso.

Sa ilalim ng Alert Level 1 na sa ngayon ay ang pinakamababang level ay pinapayagan na ang intrazonal at interzonal travel kahit ano pang edad at kahit mayroong comorbidities.

Lahat naman ng mga establishments, persons o mga aktibidad ay pinayagan nang mag-operate, magtrabaho at magsagawa ng full on-site or venue/seating capacity basta’t nasusunod lamang ang minimum public health standards.

Sa kabila nito, hindi pa rin naman inirerekomenda ng DTI chief na huwag nang magsuot ng face masks kahit patuloy ang pagbulusok ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections sa bansa. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">