Advertisers

Advertisers

Gulo ng jeep sumabog: 1 patay, 22 sugatan

0 191

Advertisers

Patay ang isang katao at 22 sugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng jeep sa Calabanga Camarines Sur, Naga city.

Ayon kay PMaj. Rodolfo Borromeo, hepe ng Calabanga MPS, hindi na nakontrol ng driver ng naturang pampasaherong jeep ang manibela nang sumabog ang kaliwang gulong nito dahilan para tumagilid sa kalsada ng Barangay Manguiring.

Galing sa Calabanga ang jeep at patungo sana sa Siruma ng maganap ang aksidente.



Agad kinustodiya sa Calabanga MPS, ang driver na si Rodel Robles y Cañeza, 26, may live-in partner, at naninirahan sa Zone 1, Brgy. Poblacion, sa bayan ng Siruma.

Dinala sa pagamutan ang mga sugatan kabilang ang nagsilbing konduktor na si Alden Sta Rosa y Baque, 25, may asawa ng Zone 1, Brgy. Poblacion sa bayan ng Siruma.

At sa update ng PNP, nasawi si Sta. Rosa.

Nagpaalala naman ang pulisya na sana i-check ang kalagayan ng sasakyan lalo na ang mga gulong, manibela at preno bago ito patakbuhin para iwas-digrasya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">