Advertisers

Advertisers

Misis binenta sa live selling mga gamit ng nangaliwang mister

0 205

Advertisers

Panalo sa mga netizen ang gimik ng isang babae na ibinenta sa kanyang live selling ang mga gamit ng kanyang sumakabilang-bahay na mister.

Noong Marso 24 nag-live selling si Jamille Margarita Galvez para raw magbawas ng basura sa kanyang bahay.

Malupit din ang sense of humor ni Galvez dahil nagbabala siya na magkakaroon ng sumpa ang mga bibili.



“Caution: Buy at your own risk, may sumpa to sigurado magiging babaero ung BF o asawa niyo! hahaha. Unang suot fuccboi agad! May bonus pang pagiging sugalero!” aniya.

“Super musa nalang, kasi di naman marunong magmahal ung may-ari,” dagdag pa ni Galvez. “Wag mag-mine kung di mo kaya panindigan gaya ng ginawa ng asawa ko.”

“Ganito pag business minded ung asawang niloko!” aniya.

Ang Part 1 ng kanyang live selling’, umani ng 2,900 shares, habang trending pa rin ang Part 2 na ginanap nitong Lunes.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">