Advertisers
Patuloy pang inaalam ng pulisya kung ano ang sanhi ng biglaang pagkamatay ng isang rape slay suspek habang nakakustodiya ng pulisya sa General Santos.
Una nang pinaniniwalaang namatay sa bangongot ang suspek sa pangagahasa at pagpatay sa limang taong gulang na batang babae.
Ayon kay P/Capt. Adolf Juliene Dave Diaz, hepe ng Makar Police station na natagpuan na wala nang buhay si Edmar Muyco Senador, 50 anyos, na tinuturong suspek sa pagkamatay ng minor de edad.
Dagdag ni Diaz, habang iniispeksyon sa ng jail guard ang kanilang mga preso, nakita umano nitong hindi na gumagalaw at hindi na humihinga ang nasabing suspek habang nasa loob ng selda Martes ng umaga.
Kaagad dinala sa pagamutan ang nasabing suspek subalit dineklara na itong wala ng buhay.