Advertisers

Advertisers

WALANG KORAPSIYON SA BENTAHAN NG DIVISORIA MARKET: YORME ISKO

0 350

Advertisers

MASAYANG sinalubong ng mga residente ng Gingoog City, Misamis Oriental ang Team Isko Moreno-Doc Willie Ong nang dumating ito sa Restituto High School para sa tatlong araw na campaign sortie sa Mindanao nitong Lunes, Marso 28.

Sa gitna ng malakas na hiyawan na may nakasulat sa placard na: Welcome President Isko Moreno ay agad na pinasalamatan nito ang nag-uumpukang mga tagasuporta, “sa awa ng Diyos, sa tulong nyo, lalaban tayo, walang iwanan,” sabi ni Yorme Isko.

Sa ambush interview ng media, tungkol sa isyu ng Divisoria Market, itinanggi ni Isko na nagkaroon ng korapsiyon sa bentahan niyon.



Ayon sa balita, naibenta ang palengkeng pag-aari ng gobyerno ng Maynila sa halagang P1.5-bilyon noong 2019.

“Baka may nasaktan kaya pinopolitika…, sabi ni Yorme Isko na idinugtong na inaprubahan ng City Council sa isang ordinansa na ipagbili ang Divisoria Market dahil sa malaking pagkalugi.

Posible na nasaktan ang kampo ni Bongbong Marcos sa paggiit ng Aksyon Demokratiko na bayaran ng Pamilyang Marcos sa gobyerno ang utang na P203-bilyong estate tax.

Ang napagbentahan sa Divisoria Market, paliwanag ni Yorme Isko ay ginamit sa pagbili ng gamot, bakuna at pagpapatayo ng COVID-19 Field Hospital at vaccination site sa kabagsikan ng pandemyang COVID-19 noong 2020-2021.

“Walang korapsiyon, lahat ay dumaan sa legal na proseso at above board. Pinalalaki lang, kasi nga may nasaktan,” sabi ni Yorme Isko.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">