Advertisers

Advertisers

Adik sa talpak namaril: 1 patay, 1 sugatan

0 225

Advertisers

Pinagbabaril ng isang lalaki ang mga kaanak ng kanyang dating kasintahan nang mabigong ayusin ang kanilang relasyon dahil hinihiwalayn na siya nito sa pagiging lolong e-sabong.

Kinilala ang salarin na si Florencio Martos Rios Jr., alyas na Carlos.

Sa ulat, pinuntahan ni Rios ang tahanan ng kanyang kasintahan na si Ana Marie Baluno noong Marso 18 at pinagbabaril ang mga tao roon.



Patay ang anak ni Baluno na si Raven, 21-anyos, na nakikipag-video call lang sa asawa nito.

Sugatan rin ang kapatid ni Baluno na si Lian at isa pa niyang anak na si Bryan James.

Ayon kay Baluno, ayaw na niyang balikan si Rios dahil sa kaadikan nito sa e-sabong.

“Hindi po siya nag-du-drugs pero sobrang sugapa sa talpak. Kasi nandyan ‘yung wala na raw siyang sinasahod, naubos sa talpak. Tapos nakakagawa siya ng hindi maganda dahil may mga nag-hunting sa kanya. Dahil sa talpak kaya siya nakapagnakaw,” kwento ni Baluno.

“Hindi niya raw ako pwede iwan, ilalaban niya raw ako ng patayan sabi niya ng ganon. Basta lagi po siyang nanakot,” dagdag pa niya.



Nahuli naman si Rios at nasa kustodiya na ng pulisya.