Advertisers
INIHAYAG ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na posibleng maibaba na sa Alert Level 2 ang bulkang Taal sa susunod na dalawang linggo kung magtutuluy-tuloy pa ang pagbuti ng sitwasyon sa nasabing bulkan.
Tiniyak ni PHIVOLCS chief at Usec. Renato Solidum Jr. na patuloy ang pagmo-monitor ng kanilang kagawaran sa status ng bulkan.
Sinabi rin niya na handa sila sa anumang posi-bleng senaryong kanilang kakaharapin ukol dito.
Ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin inaalis ni Solidum ang posibilidad ng posibleng paglala pa ng sitwasyon dito kung kaya’t ipinihayag din niya na handa rin ang PHIVOLCS na ipatupad ang Alert Level 4 o Hazardous Eruption Imminent dito.
Sa ngayon ay nasa ilalim ng Alert Level 3 ang Taal kasunod ng mga naitalang phreatomagmatic bursts.
Mula noong Lunes ay nakapagtala ang PHIVOLCS tatlo pang phreatomagmatic bursts at walo pang volcanic earthquake sa bulkang Taal.