Advertisers
SINABI ng Department of Health (DOH) na bumababa ang bilang sa ngayon ng mga taong nagpapaturok ng bakuna kontra COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, bumababa na ang COVID-19 jab rates sa harap ng oversupply na mayroon ang Pilipinas sa ilang brands ng bakuna.
Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard ng DOH, lumabas na 137,351,822 doses na ang naituturok sa buong bansa.
Subalit sa naturang bilang, 374 doses lang ang naituturok noong Marso 9.
Napag-alaman mula sa DOH na 62,683,539 Pilipino ang naturukan ng first dose, habang 63,992,620 naman ang may kumpletong dose.
Samantala, 10,675,663 naman ang nakatanggap na ng kanilang booster dose.