Advertisers

Advertisers

Pilipinas naghain ng diplomatic protest vs China kaugnay ng panibagong insidente sa Panatag Shoal

0 190

Advertisers

NAGHAIN ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China sa pangunguna ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng panibagong panghihimasok ng China Coast Guard sa teritoryo ng bansa partikular sa bahagi ng Scarborough o Panatag Shoal.

Kinumpirma ito ni National Security Adviser (NSA) Sec. Hermogenes Esperon Jr.

Ayon kay Esperon, mas pinipili ng Pilipinas na resolbahin ang usapin sa diplomatikong paraan.



Gayunpaman, siniguro ng kalihim na ipagpapatuloy ng Pilipinas na ipaglalaban ang sovereign rights nito dahil malinaw na teritoryo ng bansa na pasok sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ani Esperon, hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng close encounters ang barko ng Pilipinas at barko ng iba pang mga claimant countries hindi lamang ang China.

Dagdag ng kalihim, hindi umano matitinag ang Pilipinas sa mga ginagawang pambu-bully lalo na ang China.

Ang pinakahuling insidente ng girian sa pagitan ng Coast Guard vessels ng Pilipinas at China ay noong March 2 ang ika-apat na insidente subalit mas minabuti nilang hindi na muna isapubliko upang magbigay daan sa mas mapayapang hakbang.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">