Advertisers

Advertisers

68-anyos hinalay ng Grade 11 dinugo

0 165

Advertisers

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang 68 anyos na lola sa Iloilo dahil s apagdurugo matapos gahasain umano ng isang 19-anyos na lalaki. Bago pa umano halayin ang biktima, sinabi ng suspek na “age doesn’t matter.”

Batay sa ulat, naganap ang krimen nitong Linggo ng gabi sa Barangay Medina, sa bayan ng Anilao, Iloilo.

Base sa imbestigasyon, napag-alaman na dumalo ang lola sa isang birthday party kung saan nandoon din ang suspek na Grade 11 student.



Bandang 10:30 ng gabi, nagpasya ang lola na umuwi na, at nagpresinta naman daw ang suspek na kakilala ng apo ng biktima na ihahatid siya sa bahay.

Subali’t habang nasa daan, doon na umano nagpahayag ng masamang intensyon ang suspek sa biktima.

Kahit pa nakiusap ang biktima na matanda na siya at may mga apo na, nagsabi umano ang suspek na, “age doesn’t matter.”

Dahil sa takot na patayin siya ng suspek, wala nang nagawa ang biktima.

Pagkauwi ng bahay, napansin umano ng mga kaanak na dinudugo ang biktima kaya sinabi na nito ang nangyari sa kaniya.



Dinala sa ospital ang lola at patuloy na nagpapagaling.

Pinaghahanap naman ang suspek na, ayon sa ina mabait na anak at hindi umano magagawa ang naturang krimen.

Ayon naman sa mga opisyal ng barangay, may dati nang rekord sa kanila ang suspek dahil sa pakikipag-away.