Advertisers

Advertisers

94.68% ng balota para sa May 9 polls tapos nang iimprenta – Comelec

0 158

Advertisers

SINABI ng Commission on Elections (Comelec) na hanggang nitong Huwebes, Marso 31, ay natapos na ang pag-iimprenta ng 94.68% ng mahigit 67 milyong balota na gagamitin nila para sa nakatakdang national and local elections sa bansa sa Mayo 9.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na, “As of today, 94.68 percent na po ang napi-print natin out of the 67,442,616. Therefore, nakakapag-print na po tayo ng 63,856,233.”

Iniulat din naman niya na halos 179,000 balota ang itinuring na depektibo at kailangang iimprenta muli.



Ito ay 0.28% lamang o napakaliit na porsiyento ng kabuuang bilang ng mga balotang natapos iimprenta.

Base sa datos ng Comelec, mayroong 65.8 milyong eligible voters para sa halalan.

Ayon kay Garcia, sa naturang bilang, 6,950,449 ang mga bagong botante.

Mayroon din silang 755,769 registration records na kinansela matapos na matuklasan ang mga ito ay namatay na. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">