Advertisers

Advertisers

8 senatoriables inendorso ni Duterte

0 305

Advertisers

INENDORSO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang walong kandidato sa pagka-senador para sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 9.

Sa proclamation rally sa Lapu-Lapu City sa Cebu, inendorso ng Pangulo sina Alan Peter Cayetano, Chiz Escudero, Loren Legarda, Joel Villanueva, Jinggoy Estrada, JV Ejercito, Gibo Teodoro at Migz Zubiri.

Sinabi ni Pangulong Duterte, wala namang nangyari sa kaso ni Estrada kung kaya nakalabas ng kulungan.



Matatandaang si Estrada ay nahatulang guilty sa kasong plunder dahil sa pork barrel scam pero pinayagang makapagpiyansa.

Ang walong nabanggit ay hindi kasama sa line-up ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na paksyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi.

Nasa line-up ng PDP-Laban sina Salvador Panelo, Robin Padilla, John Castriciones, Rodante Marcoleta, Rey Langit, at Greco Belgica. (Vanz Fernandez)