Advertisers
SISIMULAN na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpapadala ng mga Vote Coun-ting Machine at iba pang Automated Election System (AES) supplies sa iba’t ibang bahagi ng bansa simula ngayong Sabado ng hatinggabi, Abril 2.
Sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, kagabi ay nagsimula nang ilagay sa mga truck ang VCMs at ballot boxes.
Inimbitahan naman ni COMELEC Chaiperson Saidamen Pangarungan ang political parties, stakeholders at media para mapasaksihan ang nabanggit na aktibidad.
Samantala, magpapatuloy hanggang sa unang dalawang linggo ng Abril ang paghahatid ng naturang equipment sa mga warehouse sa buong bansa.