Advertisers
KINUMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec) na nagkaroon ng “data leak” ang Smartmatic subalit wala umano itong kinalaman sa May 2022 elections.
Ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, ang data leak ay may kaugnayan sa internal organization ng Smartmatic. Sinibak na rin umano ang empleyado na sangkot dito.
Gayunman, hindi naman nagalaw ang mga balota at SD card base na rin sa report ng Smartmatic.
Hihintayin pa ng Comelec ang report mula sa National Bureau of Investigation bago sampahan ng kaso ang Smartmatic.
Ayon pa sa opisyal, pinamamadali na nila sa NBI ang report upang kaagad na makapagdesisyon ang poll body higgil sa mga susunod na hakbang laban sa Smartmatic. (Jonah Mallari)