Advertisers
BALAK umano ng Department of Justice (DoJ) na magpasaklolo sa mga bangko para i-check ang cashless transactions na posibleng ginagamit sa vote-buying at electoral fraud.
Una nga rito sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia na nakatanggap ang poll body ng impormasyon kaugnay pa rin ng paggamit daw ng cashless transactions para sa vote-buying sa ilang lugar.
Dahil dito, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang mga naturang cashless transactions ay mas madaling patunayan dahil mayroon daw paper trail na susundan.
Dagdag ni Guevarra, ang ebidensiya raw ng transaksiyon ay kailangang ilakip kasama na ang iba pang ebidensiya para mas malakas ito.
Una rito, bumuo na ang Justice department ng team na tutulong sa ‘Kontra bigay’ ng Comelec at ito ay kinabibilangan ng National Prosecution Service, Public Attorney’s Office (PAO) at National Bureau of Investigation (NBI) para imbestigahan ang vote buying.
Ipaprayoridad din umano ng DoJ ang mga maisasampang kaso kaugnay ng vote buying.