Advertisers

Advertisers

Headquarter ng takbong kongresista niratrat

0 162

Advertisers

SANTIAGO CITY – Niratrat ng baril ng hindi pa nakilalang mga suspek ang bahay at nagsisilbing headquarters ni 4th District Isabela Congressional candidate Jeany Agustin Coquilla sa Barangay Batal, Santiago City.

Nagulantang ang mga tauhan at guwardiya ng kumakandidatong kongreista ng makarinig ng tatlong sunod-sunod na putok ng baril.

Kung saan bakas ang tama ng baril malapit sa bobong ng bahay ng nasabing kandidato.



Maliban sa basyo ng bala makikita ang papel na may nakasulat na “Atras ka na lang kung ataw mong may masamang mangyari”.

Sa kasalukuyan, nahihirapan ang kapulisan sa pag-iimbestiga sa naturang insidente dahil hindi gumagana ang CCTV ng bahay.

Hanggang sa ngayon, blangko pa rin ang kapulisan kung ano ang motibo sa naturang insidente.

Samantala sinabi ni Coquilla, na naniniwala itong pulitika ang dahilan ng pamamaril sa kaniyang bahay at headquarters.

Malabo aniya na kalaban sa negosyo ang gumawa nito sa kaniya dahil karamihan ng kaniyang negosyo nasa Metro Manila at wala rin umano siyang personal na kaaway.



Hihintayin na lamang aniya nito ang imbestigasyon ng mga pulis at makikipagtulungan na lamang siya kung kailangan.

Ibinahagi rin ng Congressional Candidate Coquilla na hindi ito ang unang pagkakataon na makatanggap siya ng pagbabanta na kaniyang naranasan naman noong nakaraang eleksyon.

Aniya, may mga nanunuyo umano sa kanya mula nang magsimula siyang pumasok sa pulitika.

Maaaring bunga ito ng mainit na pagtanggap ng publiko sa kaniyang kandidatura.

Dahil sa pangyayari, makikipag ugnayan siya sa COMELEC upang magkaroon ng mas malalim pang imbestigasyon sa nasabing insidente.(Rey Velasco)