Advertisers
Patay ang magkapatid na dalagita at kanilang tiya nang malunod sa isang river quarry site sa Purok Paho, Brgy. Napoles, Bago City, Negros Occidental.
Kinilala ang mga biktima na sina Riza Macatigos, 31, nalunod habang tinatangka nitong iligtas ang kanyang dalawang pamangkin na edad, 13 at 16, pawang residente ng Janiuay, Iloilo. Gayunman lahat sila nilamon ng ilog at nasawi.
Sa ulat, ang magkapatid kasama ang 13-anyos na anak ni Macatigos naglalaro at naliligo sa naturang river quarry site nang maganap ang insidente.
Ayon sa 13-anyos na nakaligtas sa Bago City Police, na siya at ang 13-anyos nitong pinsan itinulak ng 16-anyos na pinsan sa ilog sanhi upang kapwa sila nahulog na tatlo sa tubig.
Dahil dito, agad na tumalon sa ilog si Macatigos upang sagipin ang anak at dalawang pamangkin maging siya hindi rin marunong lumangoy. Nakaligtas naman ang anak ni Macatigos subali’t ang tatlong magtiya nilamon ng ilog.