Advertisers

Advertisers

Pulis, patay sa bangga

0 199

Advertisers

Patay ang isang pulis nang bumangga ang lulang motorsiklo sa kasalubong na SUV na aksidenteng bumangga sa isa pang elf truck nitong Biyernes ng madaling araw sa Barangay Taringsing, Cordon, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si PMSg. Miller Aglabtin, 33, Police Officer na nakatalaga sa RTC 2 sa lungsod ng Cauayan at residente ng Brgy. Bayaoas, Aguilar, Pangasinan.

Habang kinilala naman ang tsuper ng SUV na si Kevin Dela Cruz, 32, magsasaka at residente ng Bayombong Nueva Vizcaya; at ang tsuper ng elf truck na si Jose Aranda Jr., 54, ar residente ng Brgy. Suerte, Quirino, Isabela.



Ayon sa PNP Cordon, 4:00 ng madaling araw nang makatanggap ang kanilang himpilan ng report ukol sa nangyaring aksidente sa nabanggit na lugar.

Base sa kuha ng CCTV sa pinangyarihan ng insidente, parehong binabaybay ni Aranda lulan ang elf truck na may kargang reaper at Dela Cruz ang daan patungong sa southbound direction nang mangyari ang aksidente.

Sa report, nag-slow down sa pagmamaneho si Aranda habang mabilis naman ang takbo ng sumusunod na SUV dahilan upang mabangga nito ang likurang bahagi ng elf truck.

Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga, bumaliktad ang SUV at napunta sa kabilang linya ng daan kung saan dito na aksidenteng nabangga ng kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni PMSg Aglabtin.

Nagtamo ng malalang sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang naturang pulis.



Dinala naman sa pinakamalapit na pagamutan ang mga sugatan ngunit idineklarang dead on arrival si PMSg. Aglabtin ng kaniyang attending physician habang naka-confine pa rin sa hospital si Dela Cruz nang magtamo ng injuries.

Ayon pa sa PNP Cordon, napag-alaman na nasa impluwemsya ng nakalalasing na inumin si Dela Cruz nang mangyari ang insidente.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng Cordon Police Station ang tatlong sangkot na behikulo sa aksidente para sa tamang disposisyon at karagadagang imbestigasyon.