Advertisers

Advertisers

MARCOS, DUWAG, GUMAGANTI GAMIT BAYARANG BLOGGERS

0 474

Advertisers

NASAKTAN, nagalit, naapektuhan nang husto sa pagkabulgar sa ayaw o pag-iwas na magbayad ng buwis sa P203-bilyong estate tax na utang ng pamilya Marcos, at ngayon gumaganti na sila.

Ito ang nakikitang dahilan ni Aksyon Demokratiko chairman Ernest Ramel sa umaatikabong pagsulpot ng mga atakeng personal at malisyong paratang laban kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa pagbenta ng Divisoria Mall.

“Kasi, when we have begun talking about the P203-billion, yung katotohanan , Atty. (Vic) Rodriguez and Marcos Jr. e sinabi, ‘yun daw ay politicking at fake news, e lumabas na ang katotohanan, hindi po ito pamomolitika,” sabi ni Ramel sa media sa presscon , Biyernes, Abril 1 sa Isko Moreno Domagoso for President national HQs sa Intramuros, Manila.



Ikinagalit ng mga loyalistang blogger ni Marcos Jr. ang pagsisiwalat ng katotohanan sa utang na P203-bilyong buwis kaya ngayon sinisiraan ang lumalakas na kandidatura ni Yorme Isko na sa ngayon ay umaani ng mga tagasuporta, lalo na ang mga orihinal na tagapagtatag at miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na chairman si Marcos Jr.

Paliwanag ni Ramel, hindi pamomolitika ang panawagan nila na magbayad ng utang na estate tax, aniya: “ito ay pagtawag lang sa isang tumatakbong pangulo na tumupad sa kanyang tungkulin sa bayan at sa mga iniuutos ng pamahalaan.”

Okay lang kung gumanti ng paninira at atake personal ang ginagawa ng Marcos bloggers sa isyu ng Divisoria, sabi pa ni Ramel.

“Pero malinaw po, napunta ang pera sa mga Manileno,” sabi ni Ramel na idinugtong na ginamit iyon sa mabilis na aksyon laban sa pandemya, paggawa ng mga ospital at vaccination sites at gamot laban sa COVID-19.

Naniniwala si Ramel na natatakot si Marcos at ang tagapagsalita nito, si Atty. Rodriguez na sila ang personal na bumanat, kaya ginagamit nila ang bayarang bloggers at micro-influencers na banatan si Isko, gamit ang maruruming laro at black propaganda sa politika.



“’Yung mga bumabanat, nagpapakalat at nagpo-propagate ng black propaganda against Yorme Isko about Divisoria are the Marcos bloggers, are the Marcos supporters,” sabi ni Ramel.

Sa tingin ng Aksyon, sobrang nasasaktan si Marcos Jr. at sa pagganti, pinupukol nila ng mabahong putik ang isyu ng Divisoria Mall.

Duwag ang mga Marcos kaya gumagamit sila ng ibang taga-upak.

“Ayaw nilang sila mismo magsabi ng mga black propaganda, nagmamalinis sila na campaign of unity daw sila. Pero sa totoo lang matagal na silang nagkakalat ng kasinungalingan sa social media,” sabi ni Ramel. (BP)