Advertisers
Nakiisa si Senator Imee Marcos at Mayoralty bet Atty. Alex Lopez sa unang araw ng pagdiriwang ng Ramadan nitong Ika-3 ng Abril 2022 sa Golden Mosque and Cultural Center sa Globo de Oro St. sa Quiapo, Manila
Ipinahayag ni Atty. Alex kay Senator Imee ang kanyang mga plano para sa naturang Mosque at sa mga kapatid na Muslim. Layunin ni Lopez na muling pagandahin ang nasabing moske upang maging ‘world class’ na sa gayong dayuhin ito ng mga imbestor buhat sa gitnang silangan.
Tumanggap sina Atty. Alex at Senator Imee ng Certificate of Appreciation mula sa administrasyon ng moske dahil sa kanilang pagsuporta at pagsali sa clean-up drive na ginanap bilang paghahanda sa banal na buwan ng Ramadan.
Kasabay nito ang pagtaas nila Senator Imee at Admin. Sultan Omar Pumbaya ng kamay ni Atty. Alex upang ipakita nito ang kanilang matatag at buong pagsuporta sa kandidatura nito sa pagka-Mayor ng Lungsod ng Maynila.
Buong pusong nagpasalamat ang mga lider ng kumunidad sa mga ginawang kabutihan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Isa na dito ang pagpapalabas ng isang batas na PD 1083 o ang batas na kumikilala sa Shari’a Law sa Pilipinas.
Matapos ang maikling kamustahan, pumasok sina Atty. Alex at Senator Imee sa loob ng moske at dinasalan ng mga kapatid na Muslim.
Inalala ni Senator Imee ang pagkupkop ng mga Arabong bansa ng kanilang pamilya noong 1986. Sinabi niya na matagal na siyang bumibista sa moske kahit hindi panahon ng Ramadan.
Nagpapasalamat si Imee sa mga kapatid na Muslim sa Pilipinas at gitnang kanluran. Naniniwala din siya na bahagi ang Islam ng ng ating kultura at pamanang pambansa.
Nagpahayag din ng pagbati si Atty. Lopez sa mga kapatid na Muslim, aniya “ God is good, God is with us… Allah is with us, Allah is great.”
“Happy Ramadan at Muburak,“ pagwawakas ni Lopez.