Advertisers

Advertisers

Special COVID-19 vaccination itutuloy ng gobyerno ngayong Abril

0 263

Advertisers

ITUTULOY  ng gobyerno ang kanilang targeted special vaccination days ngayong buwan ng Abril upang mas marami pang taong mabigyan ng proteksiyon laban sa COVID-19 sa mga ispesipikong lugar at rehiyon na may mababa pa ring vaccination coverage.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Dr. Myrna Cabotaje, na siya ring chairperson ng National Vaccination Operations Center (NVOC), “Ang gagawin in April, titingnan na talaga kung sino mga areas ang kailangan ng espesyal na tulong para ‘yung mga kalapit rehiyon o kalapit na probinsiya ay makatulong sa mga siyudad na medyo mahina ang kanilang bakunahan.”

Ipinaliwanag ni Cabotaje na ang special vaccination days ay isang variant ng national vaccination days na tinatawag na “Bayanihan, Bakunahan.”



Ito aniya ang tutukoy kung aling lugar ang nangangailangan ng espesyal na tulong para mapalakas pa ang vaccination drive doon.

Una nang sinimulan ng DOH ang special vaccination days sa Cebu province, Davao region, at Cotabato City mula Marso 29 hanggang 31.

Idinaos naman ang special vaccination days sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) mula Marso 30 hanggang Abril 1. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">