2 dating gobernador nagpahayag ng buong suporta sa kandidatura ni Cong. Leachon, bilang gobernador ng Oriental Mindoro
Advertisers
MARAMING pulitiko sa Oriental Mindoro ang nagnanais na maglingkod.
Subalit isa sa batayan ng mga botante ay kung may nagawa ba ang mga tumatakbong pulitiko sa panahon ng pandemya na ang karamihan ay nagtatago o “missing”, Lumalabas lang kapag ELEKSYON.
Maingay ang bulong-bulungan na mas nakakalamang ang kasalukuyang Senior Deputy Speaker Congressman Doy Leachon na aspirante bilang Gobernador ng Oriental Mindoro maging ang dalawang dating gobernador na sina Calapan City Mayor Arnan Panaligan at 2nd district Congressman Alfonso “PA’ Umali na parehong aspirante bilang Congressman ng una at segunda distrito kumpara umano sa kanilang mga “katunggali”, kumbaga NO MATCH?!
Ayon nga sa ilang Mindoreño mahirap umanong talunin ang gaya nila Umali, Panaligan at Leachon dahil mula Marso 2019 kung saan naminsala ang Coronavirus o COVID-19 sa buong mundo hanggang sa kasalukuyan ay walang sinayang na oras ang tatlong pinagkakatiwalaang lider sa pagseserbisyo para sa kanilang mamamayan.
Kahit saang sulok ng barangay sa Oriental Mindoro ay sinusuyod nina Leachon, Umali at Panaligan para ihatid ang tulong ng walang pinipiling araw basta ang tanging hangad ay madala ang ayuda sa kanilang mga kababayang nawalan ng mga mahal sa buhay, trabaho at pangkabuhayan dulot ng COVID-19.
Ang araw ginagawang gabi at ang gabi ginagawang araw nina Umali, Panaligan at Leachon masulusyon lang ang virus na gumimbal sa buong mundo partikular na sa Oriental Mindoro kung saan marami ang namatay at nagkasakit na nagpabago sa buhay ng bawat Pilipino.
Lahat ng suhestiyon na inihain ay kanilang pinag-isipan at ginawan ng paraan para malabanan ang pandemya.
Mula sa pagmulat ng kanilang mata ay sila ring simula ng kanilang pag-iikot sa mga barangay. Pag-iikot na sa pakiwari ko ay wala nang katapusan dahil hangga’t may banta ng COVID-19, bagsak ang ating kabuhayan, dadag pa ang ating ekonomiya at banta ng bagong Omicron Variant.
Maswerte ang mamamayang mindoreño dahil meron silang tatlong lider na masasandalan sa oras ng kagipitan.
Kaya paano tatalunin ang tulad nina Umali, Panaligan at Leachon na ang iniisip lagi ay pagsilbihan ang kanilang mamamayan.
Nagpahayag din ng buong suporta si Mayor Panaligan at Cong Umali sa kandidatura ni Cong Leachon bilang gobernador ng lalawigan.
Saganang akin, paano nga naman patataubin ang mahusay at matapat na mga lider, na bukod sa ubod ng sisipag matulungin na madali pang lapitan.
“Performance”, yan ang nakita natin sa tatlong pinagkakatiwalaang lider kaya paano matatalo ang mga ari sa May 2022 election.
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.