Advertisers
NAGSAMPA ang Pilipinas ng isang panibagong diplomatic protest laban sa Beijing kasunod ng umano’y pagmamanman ng barko ng Tsina sa ginagawang war games ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa karangatang sakop ng Pilipinas.
Pahayag ito ni Defense Secretary Delfin Loren- zana.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), pumasok ang Chinese vessel sa katubigan ng Pilipinas nang walang permiso noong Enero 28 hanggang Pebrero 1, 2022 at nakarating sa karagatang sakop ng Cuyo Group of Islands sa Palawan at Apo Island sa Mindoro.
Sinita ito ng BRP Antonio Luna (FF-151) ng Philippine Navy pero iginiit na innocent passage ang kanilang ginawa.
Sa mga panahong iyon, nagsasagawa rin ng marine exercises ang Philippine Marine Corps (PMC) at ang United States Marine Corps (USMC) sa Palawan.
Giit ni Lorenzana, pinapayagan lang ang innocent passage sa mga lugar kung saan ang mga foreign vessels ay maaaring pumasok sa Balabac Strait at lumabas sa Palawan.