Advertisers
Kahon-kahong mga umano’y smuggled na carrots at broccoli ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Custom – Custom Intelligence Investigation Serice (BOC-CIIS) sa pamumuno ni MICP CIIS Chief Alvin Enciso sa Ilaya Recto, Divisoria night market sa Maynila. Nasabat ang mga gulay sa isinagawang inspeksyon ng BOC kasama ang Department of Agriculture at Department of Trade and Industry. Ayon kay Alfredo Mil Jr., Intelligence Officer 2 ng BOC, bahagi ito ng kampanya ng ahensya laban sa mga ilegal na inaangkat na produkto at palihim na ibinebenta sa lokal na merkado.