Advertisers

Advertisers

Duterte mananatili sa Davao sa Semana Santa

0 295

Advertisers

MANANATILI si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang hometown sa Davao City ngayong Holy Week.

Pahayag ni acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, makakasama ng pangulo ang kanyang pamilya sa Davao.

Samantala, kaugnay nito pinapayuhan ng Palasyo ang publiko na magbabakasyon sa papalapit ng Holy Week na sundin pa rin ang health and safety protocols.



Ayon kay Andanar, kung maaari iwasan ang mga matatao at siksikang lugar at huwag makakalimot magsuot ng face mask.

Giit nito malaki at maraming isla ang Pilipinas kung kaya’t madaming magagandang lugar sa bansa na maaaring pagbakasyunan na hindi ganon kadami ang tao.

Idineklara ng Malakanyang na regular holidays ang Abril 14 o Huwebes Santo, Abril 15 o Biyernes Santo at Abril 16 o Sabado de Gloria bilang special non-working day. (Vanz Fernandez)