Advertisers

Advertisers

‘HEALTH PROTOCOLS SA KAMPANYA, HALALAN, ‘WAG KALIMUTAN’ — GO

0 250

Advertisers

SA kabila ng pagpapabuti ng sitwasyon ng COVID-19 sa bansa, hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga Pilipino na patuloy na sumunod sa mga kinakailangang health at safety protocols, tulad ng wastong paggamit ng mask at social distancing, lalo na sa gitna ng kampanya para sa darating na eleksyon.

“Ang apela ko sa mga kumakandidato at nangangampanya, unahin niyo ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga mamamayan kaysa sa pulitika. Delikado pa rin hanggang hindi pa natin nalalampasan ang pandemya,” ani Go, tagapangulo ng Senate Committee on Health and Demography.

Binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng patuloy na kooperasyon upang maiwasan ang mga bagong pagkalat ng COVID-19 at hindi mabigatan ang healthcare system.



Sinabi ni Go na kailangan ang mga ito upang matiyak na ganap na makabangon ang ekonomiya.

“Habang naghahanda tayo papunta sa pagbabalik sa normal, kailangan nating matutong mamuhay nang ligtas kahit na may panganib pa ng virus. Kailangan nating patuloy na mag-ingat habang unti-unti nating binabawi ang mga huling nawala sa atin sa nakalipas na dalawang taon,” paala ni Go.

Bago ang pambansa at lokal na halalan, muling iginiit ng senador ang kanyang panawagan sa mga kinauukulang awtoridad na gawin ang mga kinakailangang pag-iingat upang maprotektahan ang mga botante.

Bigyan aniya dapat ng sapat na bentilasyon at panatilihin ang mahigpit na social distancing sa panahon ng mga aktibidad ng kampanya at maging sa araw ng halalan.

Hiniling niya na mahigpit na ipatupad ang mga alituntunin sa polling precinct sa araw ng halalan at paalalahanan ang publiko.



Hinimok din ni Go ang mga kandidato at kanilang mga tagasuporta na makipagtulungan sa gobyerno upang matiyak na ang halalan ay ligtas at isinasaisip ang kapakanan ng bawat.

“Muli akong umaapela sa lahat na maging responsable tayo para sa kaligtasan at kalusugan ng ating kapwa Pilipino. Sa kabila ng ating magkakaibang paniniwala, naririto tayo para maglingkod, at ang buhay at kapakanan ng ating mga kababayan ang ating mga pangunahing dapat iprayoridad,” sabi ni Go.

Anang senador, hindi dapat pabayaang mawala ang ating unti-unting pagwawagi laban sa COVID-19 sa nakalipas na dalawang taon lalo’t may papasok nang bagong administrasyon sa susunod na mga buwan.