Advertisers

Advertisers

Pacquiao tuloy ang laban sa May 9 polls

0 186

Advertisers

Nanindigan si presidential candidate Manny Pacquiao na hindi siya aatras sa halalan sa kabila ng panawagan ng ilang grupo  na magkaroon na ng unity talks laban sa Marcos-Duterte tandem.
Sa pagpapatuloy ng kampanya ni Pacquiao sa Caloocan City ngayong araw ay kasama niya ang ina na si Mommy Dionesia.

 

Ayon sa senador, may mga taong kumakausap sa kanya para iatras na ang kandidatura ngunit hindi direkta.

 



Patibayan na lamang umano ito ng loob kaya umatras na lang kung sino ang may gusto ngunit nanawagan siya sa mga katunggali na samahan na siya sa laban.

 

Kung personal lamang aniya ang kanyang laban ay nakipag-kompromiso na siya sa ibang mga kandidato.

 

Hindi rin nababahala si Pacquiao sa mababang performance sa pinakahuling survey ng Pulse Asia kung saan pang-apat siya sa mga presidentiable matapos magtala ng 6 percent.

 

Punto ni Pacquiao, kahit sa larangan ng boksing ay marami ang nagsasabing underdog siya ngunit sa huli ay nakamit niya pa rin ang titulong 8-division world champion.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">