Advertisers

Advertisers

ROSE LIN NG PHARMALLY SABIT SA VOTE BUYING

0 208

Advertisers

NAGSAMPA ng reklamo ang mga progresibong grupo, araw ng Martes, laban kay Quezon City 5th District congressional candidate Rose Nono Lin at sa ilan pang personalidad kaugnay ng umano’y vote buying na kunwari ay “ayuda” o “scholarship.”

Kabuuang 30 katao mula sa Koalisyon Novalenyo Kontra Korapsyon at Alyansa ng mga Mamamayan ng Bagbag ang naghain ng reklamo sa Commission on Elections (Comelec), sa pagsasabing nasaksihan nila ang malawakang vote buying operations.

Nakasaad sa reklamo na bago pa man ang paghahain ni Lin ng certificate of candidacy at maging paglagpas ng Marso 25 na opisyal na pagsisimula ng local campaign period, ay nagsasagawa ng pagbili ng boto ang mga respondent sa libo-libong Novaleños.



Idinagdag ng complainants na hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang vote buying sa isa sa maraming headquarters ng grupo ni Lin.

Bukod kay Lin, 16 pa ang inakusahan, na tinukoy na “close associates” ng negosyante sa  Barangay Sta. Lucia at Barangay Novaliches Proper. Ayon sa complainants, ang ilan sa mga ito ay barangay councilors habang ang iba ay mga pribadong indibidwal na umaaakto bilang “barangay coordinators.”

Inakusahan ng mga complainant ang team ni Lin na nagbibigay ng stubs sa mga “piling” botante ng Quezon City, at papupuntahin sa alinman sa tatlong “headquarters” ni Lin sa  Barangay San Bartolome para tumangpap ng  tig-P500.

Hinihingian din umano ang mga residente ng kanilang personal details at isang valid ID, saka kukunan ng litrato para sa panibagong ID na ibibigay sa mga botante.

Pinaghihintay din ng ilang oras ang mga botante para manood ng video presentation tungkol kay Lin sa pamamagitan ng projector. Kung minsan naman ay personal na nagsasalita si Lin at iba pang konsehal sa harap ng mga tao.



Pagkatapos anila nito ay papupuntahin ang mga residente sa hiwalay na silid, kung saan ang i-i-scan ang QR code na matatagpuan sa likod ng ID na inisyu sa kanila.

Bago lumabas ang mga botante ay may inaabot sa kanilang maliit na brown envelop na may lamang 500 pesos.

Nanawagan ang mga miyembro ng mga progresibong grupo sa Comelec na kasuhan ang 17 personalidad ng “vote buying, conspiracy to bribe voters, and unlawful intervention of public officers.”

Tiniyak naman ni Comelec Commissioner George Garcia na agad maglalabas ang poll body ng subpoena para sa isasagawang preliminary investigations hinggil sa mga naturang alegasyon.

Ang kumakandidatong kongresista ay maybahay ni Lin Weixiong na tinukoy na financial manager ng kontrobersyal na government supplier na Pharmally.

Si Ginang Lin mismo ay dawit sa kontrobersiya ng Pharmally at nauna nang ipinag-utos ng Senado na arestuhin dahil sa hindi pagsipot sa mga hearing. Nasuspinde ang arrest order noong Pebrero nang sabihin ng kanyang kampo na nasa ospital siya para sumailalim sa opera-    syon.