Advertisers

Advertisers

Scc.Cruz tiniyak na suportado pa rin ng mga kawani at opisyal ng DAR si Senatorial candidate John Castriciones

0 135

Advertisers

MARIING tiniyak  ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Bernie Cruz na suportado pa rin ng mga opisyal at kawani ng departamento si dating DAR Sec. John R. Castriciones sa pagtakbo nito bilang senador sa ilalim ng PDP-LABAN ng Partido ng administrasyon ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Cruz bilang dating Kalihim ng DAR suportado pa rin ng mga opisyal at kawani ng DAR si Castriciones sa kanyang pagtakbo bilang senador.

 

Sa isang telephone interview sinabi ni Cruz na sa limang (5) taong panunungkulan ni Castriciones bilang DAR Secretary hindi matatawaran ang mga nagawa ni Castriciones para isulong ang programa ng administrasyon ni Pangulong Duterte na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng pamahalaan o ang libreng pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.

 



“Ang kanyang karanasan (John Castriciones) sa public service ay malaking ambag para maisulong ang mga programa ng pamahalaan sa kanayunan” ani Cruz.

 

Kabilang sa mga isinulong na programa ni Castriciones sa DAR ang farm-to-market road, Oplan Zero backlog na pagresolba ng mga kaso ng lupa ng mga magsasaka, Urban Farming Garden at ang DAR-to-Door program ng DAR na paghahatid ng titulo ng lupa sa mga bahay ng mga magsasaka upang ihatid ang serbisyo ng pamahalaan para sa mga magsasaka.

 

“Sa limang taon (5) nya bilang DAR SEcretary (John Castriciones) hindi matatawaran ang programa na kanyang nagawa sa departamento upang maisulong ang Comprehensive Agrarian REform Program(CARP) ng pamahalaan” ani pa ni Cruz.

 

Nauna rito inilabas ng pro-Dutete volunteer group na Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) spokesperson ng grupo na si Atty. Diosdado Padilla ang senatorial slate ng PDP-Laban na sinusuportahan ng partido ang slate na kinabibilangan nila Presidential Legal counsel Salvador Panelo, Deputy Speaker and Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta, former Presidential Anti-Corruption Commissione chair. Greco Belgica, former actor Robin Pailla, Broadcaster Rey Langit at former Energy Undersecretary Astra Pimentel.

 

Subalit sa naturang slate wala ang pangalan ni dating DAR Sec. John Castriciones na sinusuportahan ng grupo ang dating DAR Secretary.

 



Sinabi pa ni Cruz na suportado ng mga opisyal at kawani ng DAR ang kandidatura ni Castriciones bilang Senador sa ilalim ng PDP-LABAN at malaki ang magagawa ng dating secretary para isulong ang mga programa ng pamahalaan para sa repormang argaryo para sa mga magsasaka.(Boy Celario)