Advertisers

Advertisers

2,345 na lumabag sa election gun ban – DILG

0 115

Advertisers

TUMAAS pa ang bilang ng mga indibdiwal na naaresto sa gitna ng umiiral na election gun ban ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nasa kabuuang 2,345 indibidwal ang hinuling lumabag habang nasa 13,895 namang firearms ang isinuko as of April 5 ngayong panahon ng pangangampaniya.

Mayroon ding mahigit 10,000 bala ng iba’t ibang baril ang nakumpiska.



Iniulat din ni Año na nasa kabuuang 39,042 police officers ang kasalukuyang nakadeploy sa mahigit 5000 checkpoints sa buong bansa upang mapanatili ang kaayusan at pagpapatupad ng batas sa campaign period para sa nalalapit na halalan. (Josephine Patricio)