Advertisers

Advertisers

#49 OFW Partylist pabor sa dagdag sahod

0 338

Advertisers

SUPORTADO ng OFW (One Filipino Wordwide) Partylist ang anumang panukalang dagdag na pasahod sa mga manggagawa lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo partikular na ang produktong petrolyo.

Ayon kay #49 OFW Partylist 2nd nominee Jerenato “Jerry’ Alfante, hindi biro ang presyo ng mga bilihin sa kasalukuyan lalo na’t lubhang apekatdo ang lahat ng sektor.

Ipinahayag ni Alfante, na bilang bahagi ng economic zone, maaari namang dagdagan ang sahod ng bawat manggawa kung mataas ang produksyon o demand ng produktong ibinebeta dahil magkakaroon ng saving ang mga kompanya.



Aminado si Alfante na mayroon siyang mga trabahante sa economic zone ang lahat ng ito well confiscated lalo na sa kanilang mga dapat na benespisyong matanggap sa ilalim ng batas at pagbabagay ng mga overtime pay night deferential at sa iba pang uri ng mga benepisyo para sa isang mangagawa.

Iginiit ni Alfante na kung maibibigay ang tama at maayos na benepisyo ng mga empleyado, walang mga union o reklamong maririnig sa mga empleyado.

Kabilang sa itutulak ng OFW Partylist kung sakaling maluklok sila sa mababang kapulungan ng kongreso, ang tatlong KKK – Kapakanan, Kabuhayan at Kaunlaran, ng bawat mamamayang Filipino.

Nais ng OFW Partylist na magkaroon ng tamang edukasyon, training at pagbibigay ng trabaho ang mga Pinoy.

Sinabi ni Alfante na malaking tulong para sa mga isang mangagawa kung ang kanilang pag-aaral at training, magaganap sa kanilang lugar na kung saan hindi na niya kailangang pang mamasahe kaya isusulong nito ang isang training center sa bawat munisipaliad at kung kakayanin sa bawat barangay.



Samantala, nangagnamba si Alfante na baka mag-atrasan ang mga investor dahil sa ipinataw ng ‘exile tax’ kung saan makakaapekto naman ito sa mga manggagawa.