Advertisers
PINAYUHAN ni Senatorial Candidate at dating House Speaker at kasalukuyang Taguig Representative Alan Peter Cayetano na kailangang mayroong limang taong plano para sa pananalapi ang susunod na Pangulo ng bansa.
Ayon kay Cayetano higit na makakatulong ito upang matulungan ang bawat pamilyang Filipino na maiangat ang kanilang buhay lalo na nitong nagdaang pandemya at hanggang sa kasalukuyan.
Binigyang-linaw ni Cayetano na walang perpekto subali’t mayroon magagawang paraan ang pamahalaan upang matulungan ang mga kababayan na hindi na mangutang sa 5/6 at malulong o magbabakasakali sa mga sugal tulad ng e-sabong na manalo.
Sinabi ni Cayetano na kaya ng pamahalaan na magbigay ng tulong pinansyal mula sa isang indibidwal ng wala man lamang balik sa pamahalaan subali’t panahon na siguro para baguhin ang sistemang ito.
Pinayo ni Cayetano na sana magkaroon ng plano para sa limang taong budget ang ihanda ng isang Pangulo kasabay ng lahat ng kaniyang mga plano at programa para sa buong bansa.
Aminado si Cayetano na bukod sa saving, mayroong ibang maaring pagkuhanan ng pondo ang pamahalaan para tiyak na mabigyang pansin ang problema ng mga mamamayan kahit mayroon krisis o wala.
Naniniwala si Cayetano na walang imposible kung ipapatupad ang tamang sistema para matiyak na mapangangalagaan ang budget ng bansa at mapakikinabangan ng bawat mamamayan.
Muling ipinunto ni Cayetano na kung ang isang maliit na negosyante, papautangin ng gobyerno bukod sa maaring maibalik ito sa pamahalaan sa ilang magagaang pamamaraan pabor sa negosyante.
Umaasa si Cayetano na tataas ang bilang ng mga papasok na turista sa bansa para mas madagdagan ng trabaho ang mga mamamayan Filipino.