Advertisers
BUMUO na ang Commission on Elections ng isang task force upang sugpuin ang mga nagpapakalat ng fake news at disinformation.
Ang Task Force Kontra Fake News ay isa sa mga naisip na hakbang ng poll body upang pigilan ang pagpapakalat ng fake news at maparusahan ang mga nasa likod nito.
Ito ay binubuo ng mga opisyal ng Comelec sa pakikipagsanib-pwersa sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang cybercrime unit.
Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na layunin lamang nila na protektahan ang integridad ng poll body at hindi upang pigilan ang mga bumabatikos sa kanila.
Sa ngayon ay binabalangkas na ang mga panuntunan ng Task Force Kontra Fake News at wala pang inaanunsyo kung sino ang mamumuno dito.
Payo pa ng Comelec sa mga netizens, maging alerto, mag-fact check at huwag basta maniwala sa mga nababasa sa social media upang hindi mabiktima ng fake news. (Jonah Mallari)