Walang makakangkong na pondo sa ilalim ni Pangulong Leni… BILYONG PONDO MATITIPID SA ‘FULL DISCLOSURE POLICY’ NI ROBREDO
Advertisers
IPATUTUPAD ni Vice President Leni Robredo ang “Full Disclosure Policy” sa lahat ng transaksyon sa gobyerno sakaling mahalal bilang pangulo ng bansa.
“Alam naman natin na bilyon-bilyon ang nawawala sa mamamayan dahil sa katiwalian,” ayon kay dating senador Antonio “Sonny” Trillanes, na kilalang fiscalizer sa gobyerno.
“Ilang milyong pabahay na yan? Ilang kilometro ng farm-to-market roads? Ilang magsasaka, mangingisda o urban poor na ang mabibigyan ng ayuda?” dagdag niya.
Ayon sa datos mismo ng pamahalaan noong 2019, halos P1.4 trillion ang nawala sa kaban ng bayan dahil sa korapsyon sa lumipas na dalawang taon, o katumbas sa mahigit-kumulang 20 porsyento ng annual budget ng bansa.
Ang pera ay sapat na sana na makapagtayo ng 1.4 milyong bahay para sa mahihirap, o makapagbigay ng medical at educational assistance sa pitong milyong Fiipino.
“Maraming magagawa si VP Robredo sa pondong yan,” ayon kay Trillanes na tumatakbong senador sa ilalim ng Robredo-Pangilinan tandem.
Suportado ng dating Navy officer ang plano ni Robredo na mahigpit na ipatupad ang ‘full disclosure policy” na isasapubliko ang lahat ng transaksyon, kontrata at pagbili sa pamahalaan.
“I firmly believe that only VP Leni has the character and political will to implement this policy to the fullest,” aniya.
“Wala siyang bahid ng katiwalian, hindi siya ang tipo ng taong magbabayad ng utang pulitikal sa mga tumulong sa kanya, at mas lalong hindi siya hawak ng kung sino man,” ayon pa kay Trillanes.
“At alam natin kung paano humawak ng pondo si VP Leni,” dagdag niya.
“Doon sa kokonting budget ng kanyang tanggapan, napakarami na niyang nagawa. Paano pa kaya kung siya na ang pangulo? We can expect great things to happen under her administration,” ayon pa kay Trillanes.
Sa ginanap na presidential debates, inihayag ni Robredo na magiging unang Executive Order nito, sakaling mahalal, na mahigpit na ipatupad ang “transparent governance.”
“Ire-require ko ‘yung lahat na government offices and instrumentalities to make public all their transactions, all the contracts, all the procurements, even without need of request from anyone,” ayon kay Robredo.
Inilarawan ni Trillanes ang patakaran ni Robredo na isang “epektibong pamamaraan upang masawata at maiwasan ang korapsyon sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahalintulad sa kanyang panukala na magkaroon ng livestream sa public biddings.
“Itong ‘full disclosure policy’ ni VP Leni at ang aking panukalang livestream at video recording ng lahat ng public bidding ay malakas na deterrent laban sa korapsyon,” aniya.
Sinabi pa ni Trillanes na maaaring gamitin ang video recording sa prosesong administratibo at kriminal laban sa corrupt officials.
“Tulad ni VP Leni, ako rin ay may personal anti-corruption advocacy, at naniniwala ako na kapag automatic ang pagbibigay sa COA at Ombudsman ng recordings ng public bidding ay malaking kabawasan ito sa katiwalian, or at least yung mid-level corruption,” aniya.