Advertisers

Advertisers

Bigtime taas-singil sa Meralco asahan sa Abril

0 210

Advertisers

INANUNSYO ng Energy Regulatory Commission (ERC) na asahan ang bigtime taas-presyo ng Meralco bill ngayong Abril.

Kinumpirma ito ng Meralco na anila’y dahil sa pagtaas ng presyo ng kuryente sa spot market, at paggamit ng nagmahal na langis ng mga planta at paghina ng piso kontra dolyar.

“Hetong sama-samang factors really is going to push the generation costs and price of electricity upwards… We will try to do what we can to mitigate the impact,” ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.



Mahigit P1 ang dapat na dagdag sa rate pero nagawan ng paraan ng Energy Regulatory Commission at natapyasan ng mahigit kalahati ang dagdag-singil.

Ayon sa Meralco, ide-defer o ia-atras sa tag-ulan ang paniningil ng ilang charges ng power producers at Meralco na aabot na P1.2 bilyon.

Babayaran pa rin ng consumers ang deferred charges na walang interes sa mga buwang mas malamig na ang panahon para mas mababa na ang konsumo.

Aminado ang Meralco na may pagtaas ng singil pero sa Lunes pa nila iaanunsiyo kung magkano.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">