Advertisers
Pinagbabaril ang isang Filipino-Chinese habang sakay ng SUV na Toyota Fortuner sa kanto ng Victoria Street, Padre Burgos Avenue sa tapat ng Manila City Hall.
Sa ulat, 4:20 ng hapon nitong Huwebes nang mangyari ang pamamaril sa biktimang si Kim Lok Sy, 50, at residente ng 38 JP Rizal St., Arty Subdivision, Valenzuela City.
Ligtas naman si Sy at nasa mabuti nang kalagayan nang agad na maisugod sa Manila Medical Center.
Habang ang kasama nitong si Dexter Tan, hindi naman nasaktan sa ambush.
Matapos ang pamamaril agad na tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng southbound sa Lagusnilad, Taft Avenue, Ermita, Manila.