Advertisers
NAGKAROON ng Pili Mo, Pili Ko Pilipino! The Manila mayoral candidates’ forum na inorganisa ng Task Force Safe Schools katuwang ang DLSU Committee on National Issues and Concerns at ang La Salle Institute of Governance sa pakikipagtulugan ng Rappler at De La Salle Santiago Zobel School na isinagawa sa De La Salle University Henry Sy Sr. Grounds nitong Miyerkoles, April 6.
Dinaluhan ang nasabing forum nina Atty. Alex Lopez, Amado Bagatsing, at ex-general Elmer Jamias. Nagpadala lamang ng mga video recording si Vice Mayor Honey Lacuna, habang sina Cristina Lim Raymundo at Onofre Abad imbitado nguni’t hindi rin dumalo.
Naging malaking usapin sa nasabing forum ang kamakailang natuklasang pagbebenta ng Divisoria Public Market, isang lugar na puntahan ng mga wholesaler at retailer na vendor.
Sinasabing inilipat ng kontrobersyal na pagbebenta ang pagmamay-ari ng 3,701.70 sqm property mula sa Lungsod ng Maynila patungo sa Festina Holdings Inc, isang pribadong kumpanya na nakabase sa Ermita, Manila.
At ang Konseho ng Lungsod ng Maynila, na pinamumunuan ni Lacuna, ang nagbigay ng awtorisasyon kay Moreno na aprubahan at tapusin ang nasabing pagbebenta kung saan itatayo ang isang 50-palapag na gusali. At ililipat ang mga nagtitinda sa Divisoria mall sa Pritil Market.
Ang pampublikong wet and dry market, kung saan libu-libo ang dumarayo upang bumili ng samu’t saring paninda at sariwang ani, sinasabing naibenta na sa halagang P1.446 bilyon noong Agosto 2020. Gayunpaman, ayon sa mga lider ng vendor, nalaman lamang nila ang pagbebenta noong Agosto 2021, nang humingi sila ng mga dokumento mula sa konseho ng lungsod. Ipinagtanggol ni Moreno sa publiko ang hakbang na nagsasabi na gagamitin ang pera upang pondohan ang mga pandemya na pabahay at mga programa sa pangangalagang pangkalusugan ng lungsod.
Tumatakbo si Lacuna sa pagka-alkalde ng Maynila sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, na kung saan bitbit ang incumbent Moreno bilang kandidato sa pagkapangulo nito para sa 2022 elections.
Kinondena ni Lopez ang kampo ni Moreno dahil sa paglilipat ng ari-arian.
“We’re already trying to file an annulment case and possible plunder case,” said the scion, who is also against the P1.7B beautification project of the Manila Zoo and other property sales by the incumbent duo. “Ang P13,000 kada metro kuwadrado isang napakawalang konsensya na presyo.”
Binanggit ng mga kandidato na nawalan ng transparency at integridad ang kasalukuyang mga opsiyal ng Pamahalaang lungsod ng Maynila nang pumasok sa pagbebenta ng mga patrimonial property, at hindi ito nagbigay ng komento ni Lacuna, na isa sa nagpapatakbo ng Maynila dahil hindi nito pinaunlakan ang nasabing forum.