Advertisers
NAGSIMULA na ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pag-deploy ng nasa 11,000 police personnel sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.
Layon nito na masiguro ang seguridad para sa tahimik, maayos at mapayapang paggunita ng mga Katoliko sa pagsisimula ng Semana Santa nitong Palm Sunday.
Ayon kay NCRPO spokesperson, P/LtCol. Jenny Tecson, inatasan na ni NCRPO Director, P/MGen. Felipe Natividad ang lahat ng District Police Directors nito na gawin ang ibayong hakbang para sa okasyon.
Partikular aniya rito ang paglalatag ng help desk sa mga places of convergence tulad ng mga bus terminal, paliparan at pantalan, maging sa mga simbahan at mall, gayundin sa iba pang mga pook pasyalan.
Pinayuhan naman ng NCRPO ang publiko na planuhing maigi ang kanilang pagbabakasyon at tiyaking susunod sa mga itinakdang minimum health protocols laban sa Coronavirus Disease 2019.