Advertisers

Advertisers

Anakpawis Partylist nominee sangkot sa komunistang grupo, arestado!

0 179

Advertisers

Inaresto ang isang lider magsasaka na nominee ng Anakpawis Party-list dahil sa umano’y pagkakasangkot sa komunistang grupo sa Ba­yombong, Nueva Vizcaya nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang dinakip na si Anakpawis Party-list 4th nominee at Cagayan Valley coordinator na si Isabelo Adviento.

Sa ulat, 8:00 ng gabi nang maaresto si Adviento habang kumakain sa isang kilalang fastfood chain sa Bayombong.



Noong Disyembre 2020,y ni-raid na rin ng PNP operatives ang bahay ni Adviento sa Baggao, Cagayan. Gayunman, pinalaya ito ng korte dahil sa kakula­ngan umano ng matibay na ebidensya.

Umalma naman ang Anakpawis sa pagsasabing biktima ng “red tagging” si Adviento.

Itinanggi rin ni Ad­viento ang alegasyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na isa siyang recruiter ng teroristang New People’s Army (NPA).

Patuloy namang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ng security forces si Adviento.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">