Advertisers

Advertisers

Bulkang Taal ibinaba na sa Alert Level 2

0 137

Advertisers

NASA Alert Level 2 na lamang ang Bulkang Taal sa probinsiya ng Batangas matapos ibaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alerto nito.

Paliwanag ng Phivolcs na kasunod ng phreatomagmatic eruption ng main crater noong Marso 26 ng kasalukuyang taon at naitalang anim na phreatomagmatic bursts hanggang sa katapusan ng Marso.

Nakitaan din ng significant na pagbaba ang aktibidad ng bulkan sa nakalipas na dalawang linggo.



Ayon sa Phivolcs nakapagtala lamang ng 86 volcanic earthquakes na hindi malalakas at hindi gaanong nararamdaman na pagyanig.

Karamihan aniya sa mga pagyanig ay dahil sa volcanic degassing mula sa shallow magma at hydrothermal region mula sa ilalim ng Taal volcano island.

Tumigil na rin ayon sa Phivolcs ang background tremor na may kasamang shallow hydrothermal activity noong Marso 31.