Advertisers
MAGKAKAROON muli ng libreng sakay ang Department of Transportation (DOTr) para sa mga pasaherong apektado pa rin ng COVID-19 simula ngayong araw.
Ito ay matapos muling ipatupad ng DOTr ang ikatlong yugto ng Service Contracting Program na tutulong sa transport sector at commuters sa tulong na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Aabot sa 510 na mga bus ang ipapakalat sa EDSA Busway para mag-alok ng libreng sakay sa mga healthcare workers at Authorized Persons Outside Residence (APORs).
Maliban dito, target din nilang magbukas ng mga bagong ruta para sa libreng sakay sa mga PUV sa ilan pang lugar sa bansa sa mga susunod na araw.