Advertisers

Advertisers

Pulis, sundalo kulong sa nakaw na motorsiklo

0 215

Advertisers

CAGAYAN DE ORO CITY – Bagsak sa kulungan ang isang sundalo at pulis nang arestuhin ng kanilang kabaro dahil sa paggamit ng kumpiskadong nakaw na motorsiklo nitong Sabado sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na sina Patrolman Bhenjie Torib, 26, intelligence operative sa Cugman Police Station, taga-Sugbongcogon, Misamis Oriental; at Army Sgt. Erenio Besonia Jr, 34, active member ng 4th ID, Philippine Army, at taga-Lala, Lanao del Norte.

Ayon kay Carmen Police Station commander Maj. Mario Mantala Jr., nahaharap sa mga kasong obstruction of justice, disobedience in a person in authority at gun ban violation ang mga suspek.



Sinabi ni Mantala Jr., walang pakundangang ginamit ng mga suspek ang motorsiklo na nakumpiska ng Carmen Police Station sa isinagawang anti-theft operation sa Brgy. Carmen, noong Biyernes ng gabi.

Giit pa ni Mantala Jr., na hindi niya kukunsintihin ang mga maling gawain ng kanyang mga tauhan.