Advertisers
NAIS ng isang partylist solon na silipin ng Kamara ang naging aberya sa pagsisimula pa lamang ng overseas absentee voting sa Hong Kong.
Partikular na pinakikilos ni Bayan Muna partylist Rep. Ferdinand Gaite ang Committee on Suffrage and Electoral Reforms na imbestigahan ang isyu at ipapatawag dito ang Commission on Elections (COMELEC), Department of Foreign Affairs (DFA) at ang Hong Kong Consular office.
Sa unang araw kasi ng absentee voting sa Hong Kong ay hindi na-accommodate ng Philippine consular office ang libu-libong botante na nagtungo doon para makaboto dahil kulang ang makina.
Sa halip kasi na sampung vote counting machines ay lima lang ang ibinigay ng COMELEC sa consular office.
Nais din malaman ng kinatawan kung ang pagtapyas ng pondo ng DBM sa overseas voting ay nakaapekto rin sa aberyang naranasan. (Henry Padilla)