Advertisers

Advertisers

ATE VI BIBIGYANG-PUGAY SA IKALAWANG EDISYON NG SAGIP PELIKULA SPOTLIGHT SERIES

0 199

Advertisers

Ni MERCY LEJARDE

BIBIGYANG-pugay ng ABS-CBN Film Restoration ang mga natatanging kontribusyon sa pelikulang Pilipino ng Star for All Seasons na si Vilma Santos sa ikalawang edisyon ng “Sagip Pelikula Spotlight” ngayong Abril.
Ang pelikulang “Karma” ni Ate Vi ang naging tampok na pelikula sa premiere. Palabas din ngayong Abril sa KTX.ph ang ilang restored na pelikula ni Ate Vi tulad ng “Haplos,” “Tag-ulan sa Tag-araw,” “Langis at Tubig,” at “In My Life” na may kasamang one-on-one interview sa nag-iisang Star for All Seasons kada pre-show ng bawat pelikula.
Ang “Sagip Pelikula Spotlight” ay nagpupugay sa mga indibidwal na may natatanging kontribusyon sa pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalabas ng kani-kanilang restored classics online.
Sa ikalawang edisyon nito, bibigyang pansin ang naging karera ni Ate Vi sa larangan ng showbiz, na kilala sa kanyang mga pelikula tulad ng “Lipad, Darna, Lipad!,” “Sister Stella L.,” “T-Bird at Ako,” “Anak,” “Dekada ‘70,” at iba pa.
Taus-pusong nagpasalamat si Ate Vi sa Sagip Pelikula sa pagsasalba ng mga de-kalibreng pelikula sa mga nakalipas na dekada. Aniya, hindi lamang ito nagpamulat sa mga manonood ngayon sa mga makasaysayang obra kundi naipamalas din ang talento ng bawat Pilipino sa larangan ng industriya.
Sinimulan ang panibagong Spotlight series sa pagpapalabas ng digitally restored version ng kanyang 1981 hit na “Karma” sa direksyon ni Danny Zialcita.
Mapapanood na ngayon ang digitally restored version ng “Karma,” tampok ang exclusive interview kay Vilma sa pre-show nito, sa KTX.ph.
Mabibili na ang mga ticket nito sa https://bit.ly/KarmaOnKTX sa halagang P150.
Ipinagdiwang ng ABS-CBN Film Restoration ang ika-10 taon nito ng pagsagip ng mga natatanging pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng proyekto nitong Sagip Pelikula. Tumanggap na ito ng ilang award tulad ng Gold Quill award mula sa International Association of Business Communicators (IABC), Gawad Pedro Bucaneg mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), at kamakailan lang din ang Gawad PASADO sa Pagsisinop ng mga De Kalibreng Pelikula mula sa katatapos lang na 23rd Gawad PASADO ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO).
Para sa updates tungkol sa ABS-CBN Film Restoration at sa Sagip Pelikula, i-follow sila sa Facebook (fb.com/filmrestorationabscbn), Twitter (@ABS_Restoration), at Instagram (@abscbnfilmrestoration