Advertisers
Opisyal nang nagsumite ng petisyon ang kampo nina Atty. Alex Lopez para sa agarang pagpapalabas ng mga foodpacks at senior citizen allowance ng Manileño, na inihain sa Pamahalaang lungsod ng Maynila at sa Commission on Election (Comelec).
Nilagdaan ang naturang petisyon nila Mayoralty bet Atty. Lopez at Atty. Bimbo Quintos, tumatakbong konsehal ng ikaapat na Distrito ng Manila, na inihain ni Atty. Edward Magat, legal council ni Lopez.
Hinihiling nila Lopez ang agarang pag-re-release ng mga foodpacks at senior citizen social amelioration na dapat sana noong pang Marso ito natanggap ng mga Manilenyo at hindi kailangan ipamahagi ito bago sumapit ang May 9 election ng taong kasalukuyan.
“We condemned the politicization of the release of these food packs and senior allowance. It should not be release days before the election, so as not to influence the decision of the voters,” pahayag ni Atty. Lopez.
Aniya, posibleng makaimpluwensiya ang ganitong istilo sa magiging desisyon ng mga botante.
Isa umanong ‘bulok’ na pamamaraan ng pamumulitika ang ganitong uri ng hakbang para lamang tumatak sa isipan ng mga botante na mayroon sila malasakit sa mga ito, na ang totoo inipit nilang ilabas ang mga dapat sana noon pa natanggap ng mga Manilenyo.
“The delay of the release shows that the city council and the vice mayor do not have the best interest of the people, but only their selfish interest,” wika pa ni Lopez.
Sinabi ni Atty. Alex na tahasang ipinakikita ng city council at ng Vice Mayor ng Maynila na hindi mahalaga ang kapakanan ng mga mamamayan, kung hindi ang pangsarili lamang nilang mga hangarin sa buhay.
“This is the reason why Manilenyos are hungry because of the selfish interest of the chosen few of the council.”
Binibinbin nila ang pagpapalabas ng foodpacks at senior citizen social amelioration upang maimpluwensiyahan ang darating na eleksyon.
“It should be distributed with timeliness,” dagdag pa ni Atty. Lopez.