Advertisers

Advertisers

Presyo ng petrolyo may rollback ngayong araw

0 214

Advertisers

MAGPAPATUPAD ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes, Abril 12.
Ito na ang ikalawang linggong bawas-presyo sa produktong langis sa bansa.

Batay sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, magtatapyas sila ng; piso sa kada litro ng gasolina; 35 centavos sa kada litro ng diesel at tatlong piso sa kada litro ng kerosene.

Magkakaroon din ng bawas-presyo sa langis ang Cleanfuel at Petro Gazz maliban na lamang sa kerosene.



Alas-6 ng umaga epektibo ang bawas-presyo sa lahat ng kumpanya, maliban sa Cleanfuel na alas-8:01 ng umaga pa magpapatupad.

Wala namang kahalintulad na abisong inilalabas ang ibang kumpanya ng langis.