Advertisers

Advertisers

2-day relief activity, isinagawa ng grupo ni Bong Go sa Caloocan

0 118

Advertisers

NAMAHAGI ng tulong ang tanggapan ni Senator Bong Go sa mga residente ng Caloocan City sa isinagawang dalawang araw na relief activity kamakailan.

Muling idiniin ni Go ng Senate committee on health and demography ang pangangailangan na patuloy na palakasin ang mga pagsisikap ng bayanihan para sa mas mabilis na pagbangon ng bansa.

Sa relief operations para sa mga residente ng Caloocan City noong Abril 7 at 8, hinimok ni Go ang 2,429 benepisyaryo na manatiling mapagbantay at disiplinado sa kabila ng unti-unting pagluwag ng mga paghihigpit sa bansa.



Nanawagan siya sa bawat isa na makiisa sa national vaccination program sa pagsasabing ang bakuna ang tanging susi o solusyon para unti-unti nang makabalik sa normal ang pamumuhay ng lahat.

“Nakikiusap din po ako sa mga local government units, sa ating national government, magtulungan po tayo. Kung kailangan po, suyurin natin ‘yung mga senior citizens at PWDs para po protektado sila,” ani Go.

Ang pangkat ng senador ay nagsagawa ng mga pamamahagi sa Barangay 14 Samaka Basketball Court at Barangay 73 Hall.

Namigay sila ng mga tulong at nagbigay sa mga piling indibidwal ng mga bagong pares ng sapatos, computer tablet at bisikleta.

Hinikayat ng senadora ang mga benepisyaryo na gamitin ang serbisyo ng Malasakit Centers sakaling kailanganin ang tulong medikal.



Ang Malasakit Center sa Caloocan City ay matatagpuan sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital.

“Nasa loob na po ng ospital ang apat na ahensya ng gobyerno — PhilHealth, PCSO, DOH, at DSWD na handang tumulong sa inyong magiging zero-balance ang bill ninyo. Para po sa Pilipino ang Malasakit Center, sa poor and indigent patients po,” idiniin ni Go.