Advertisers

Advertisers

KANDIDATONG MAGBIBIGAY NG AYUDA SA NASALANTA NI AGATON, MADI-DISQUALIFY

0 215

Advertisers

NAGBANTA ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na “mamumulitika” sa pamimigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Agaton.

Ayon kay Commissioner George Garcia, maaring gamitin ng mga local government units (LGUs) ang kanilang calamity fund basta iimpormahan lamang ang Comelec.

Gayunman hindi umano dapat lagyan ng campaign materials ng mga incumbent officials ang mga ipamimigay na relief goods sa mga biktima.



“Kung pupwede po, ‘wag na lang lalagyan ng mukha ng kandidato o mukha ni mayor. ‘Wag na lang ganun. Kung tulong, tulong po nating ibigay tutal naman po ay galing sa kaban ng bayan ‘yan, hindi sa bulsa ng pulitiko. ‘Wag na po nating gawing pamumulitika ito,” ani Garcia.

Sakaling may pulitiko na manamantala ay siya mismo ang magpapadiskwalipika dito.

Nabatid na kasalukuyang ipinapatupad ang public spending ban mula Marso 25 hanggang Mayo 8, 2022.

Sa ilalim ng Comelec Resolution 10747, kailangan kumuha ng certificate of exemption para sa pamimigay ng ayuda, nakalista ang bilang at pangalan ng mga beneficiaries at barangay na apektado.

Nangako ang Comelec na mamadaliin ang pagbibigay ng exemption upang mabilis na maka-pagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Agaton. (Jonah Mallari)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">