May halaga pa ba sa atin ang mga katutubo? – Ayuda Sandugo
Advertisers
SINASABING wala tayo sa mundong ito kung hindi dahil sa ating mga ninuno o ang mga katutubo – sila ang una at tunay na pinagmulan ng ating lahing mga Pilipino, subalit tila napabayaan na natin sila bilang isang mahalaga at lehitimong sektor ng ating lipunan.
Ito ang paalala sa atin ng isang Mindoro-based Party-List group Ayuda Sandugo na naglalayong isulong ang mga karapatan, serbisyo at benepisyo ng humigit-kumulang na 14-17 milyong culturally-diverse Indigenous Peoples (IPs) na nakakalat sa buong bansa.
Sinabi ni Francis Cusi, Ayuda Sandugo first nominee na marami na silang proyektong naipatupad para mapaunlad ang kabuhayan ng IPs mula nang maitatag ang kanilang grupo bilang NGO noong 2009 na lumaon ay naging partido – subalit mas marami pa umano itong magagawa kapag nabigyan ng lehitimong respresentasyon sa Kongreso.
Ayon sa 41-anyos na IT expert at entrepreneur, may seven priority goals ang partido na may kinalaman sa upliftment ng indigenous tribes; livelihood programs; calamity assistance to farmers; farm-to-market roads; incentives at farmer’s capacity programs; guardians of national and local funds for rural development at youth empowerment.
Dagdag pa ng panganay na anak ni Energy secretary Alfonso Cusi at dating CEO ng Star Ferries, isang malaking kompanya ng transport at shipping services sa bansa, na ang pinakamalaking agenda umano ng Ayuda Sandugo ay ang pagpapatupad ng RA8371 o IPRA Law na may kaugnayan sa RA7942 o Philippine Mining Act of 1995.
Ayon sa grupo, ang RA8371 o IPRA Law ay kumikilala at nangangalaga ng mga karapatan ng indigenous cultural communities at recognizes and promotes the rights of indigenous cultural communities and indigenous peoples, pati na rin ang karapatan ng IPs sa ancestral domains o kalupaan na kinasasakupan nila.
Ang RA7942 o Philippine Mining Act of 1995 naman ay nag-uutos na walang ancestral land ang dapat buksan para sa mining operations nang walang pahintulot sa kinasasakupan ng isang indigenous cultural community at pinag-uutos din ng batas na ito ang pagbibigay ng 1% na ayuda para sa IPs mula sa kita ng mga mining companies.
Sabi ng isang eksperto sa ancestral land and mining law, daan-daang milyong pisong ayuda para sa mga katutubo nang nawwala dahil sa hindi pagpapatupad ng mga batas na ito at panahon na upang maibigay umano kay Juan ang para kay Juan.
Sinigundahan naman ito ni Cusi na marami nga’ng panukala sa mga batas na ito ang dapat maisaayos para sa kapakanan ng ating mga ninuno na pinagkakautangan natin ng ating mga buhay at kapag pinalad silang maluklok sa kongreso ay pagsisikapan nilang ma-plantsa ang lahat ng mantsa at gusot nito.
Ang pangkahalatang bilang ng ating mga culturally-diverse Indigenous Peoples (IPs) sa buong bansa ay umaabot sa 14-17 milyongat ito ay binubuo ng 110 ethno-linguistic groups na karamihan ay nakabase sa Northern Luzon (Cordillera Administrative Region, 33%) and Mindanao (61%), at ilan pang grupo sa Visayas area.